Gumawa ka ng tama.
Malamang iyan ang tema ng iyong mensahe kay Calvin nang ito ay kausapin mo patungkol sa kanyang suspensyon.
Naniniwala ako na pinaintindi niyo po kung bakit ito mangyayari. Unang-una sa lahat, para magbago siya. At matapos ang isang taon, ang dating marahas na leon ay nagsasalita na, na parang tao.
Nag-tagumpay po kayo. Mukhang nagbago na si Calvin matapos ang mahigit isang taon na suspensyon at ng dahil sa mga makatwiran ng pinagawa ninyo sa kanya.
Mula sa pagbibigay tulong sa mga nangangailangan. Pagpapakonsulta sa mga eksperto sa sikolohiya. Paghingi ng tawad sa mga nasaktan niya. At marami pang iba.
Pero, bakit hindi pa rin po tapos? Ano pong dahilan? Bakit hindi pa rin po siya makakalaro kung napakita naman na niya na nagbago na siya?
Dahil, may iba pong pwersa na pumipigil sa kanyang pagbabalik?
Nagtiwala po ako sa inyo. Naniwala na nung pinaintindi niyo sa kanya ang sitwasyon na kayo ay magiging katuwang niya na mapabago ang isipan ng mga malalaking tao na ayaw na siyang makita sa loob ng palaruan.
Nagtiwala po ako sa mga salita po ninyo na ikakabuti ni Calvin ang nasa isipan po ninyo.
Pero bakit hanggang ngayon, ang pagbuo pa rin ng rason kung bakit hindi pa rin siya makakalaro ang inyo pong ginagawa? Hanggang ngayon, hindi niyo pa rin masabi ng direkta kung ano pa yung mga hindi niya nagawa?
Hindi po kami tanga. Alam po namin ang nangyayari.
Sa huling pagkakataon po sir Willie, binibigay ko pa rin ang tiwala sa inyo.
Gumawa ka ng tama.
Comments
Post a Comment